NBI CLEARANCE sa Robinsons Galleria Satellite Office: Gabay, Proseso, at Karanasan

STEP 4: Releasing. Mabilis ang pila.


Ang karanasan ko sa pagkuha ng NBI clearance sa Robinsons Galleria's NBI satellite office. Wala nang satellite office sa SM Megamall, kaya ang pinakamalapit sa amin ay Robinsons Galleria.

Ako ay nag-apply online, pero pipila ka pa rin.

NBI ONLINE REGISTRATION:

Mas mainam nang mag-apply ONLINE—whether first-time clearance o renewal ang nais mong kunin. Ito ay para hindi ka na dumaan sa STEP 1 doon sa satellite office: makaka-save ka ng oras kasi napakahaba ng mga pila.

Matapos mong sagutan ang online form, may mensahe na lalabas na sasabihing iprint mo ang form, o di kaya'y kopyahin mo nalang ang REGISTRATION CODE kung wala kang printer. Para sa akin, kahit hindi mo na i-print, ayos lang. Hindi ko na pinrint yung akin: mahalaga lang ay makuha mo ang REGISTRATION CODE. Pagdating mo kasi sa satellite office, walang kaso kung printout ang hawak mo. Yung REGISTRATION CODE lang talaga ang titingnan nila bilang patotoo na nag-apply ka online. Isulat mo ang REGISTRATION CODE sa isang papel at INGATAN mo.

Magdala ng dalawang IDs kung ikaw ay new applicant.  Dito nakalista kung anong mga ID ang valid.

For RENEWAL ako, kaya okay lang na isa lang ang dala kong ID, kasi ang MAHALAGA for RENEWAL ay dala mo ang previous ORIGINAL copy ng NBI clearance mo. BAWAL ang xerox copy.


PAGDATING SA ROBINSONS GALLERIA

Ang NBI satellite office ay nasa loob ng mall. Ang mall ay nagbubukas ng 10:00 a.m. Pero dahil sa napakaraming tao ang kukuha o magpaparenew ng NBI clearance, at mayroong cut-off ang pila, ang pinaka-magandang oras na andun ka ay between 5 and 6AM. Okay na ang oras na yun. Hindi pa ganun kakapal ang tao. Monday ako nagpunta doon, at noong dumating ako ng 6:00AM, hindi pa marami ang tao.

PILA SA LABAS

Ang pila sa labas ng Robinsons Galleria mall para sa mga kukuha ng NBI clearance ay sa EDSA SIDE, kung saan andun ang MINI STOP.

HIWALAY ang pila ng mga online applicants sa hindi online. Sa karanasan ko bilang ONLINE APPLICANT na may hawak na REGISTRATION CODE, ang pila namin ay doon mismo sa harap ng entrance ng mall: sa may hagdanan, malapit sa MINI STOP. Ang pila ng mga HINDI online applicants ay banda sa likod namin, malapit sa kalye.

May guard na titiyakin naman na tama ang pila mo. Kaya bago ka pumila, tiyakin mo na agad sa guard kung saan ka dapat pumila. Sabihin mo agad na ONLINE APPLICANT ka para magabayan ka niya.

Inaayos ng mga guards ang pila, kaya walang hassle. Madami mang tao, maayos naman ang proseso. Uulitin ko, walang kaso na wala kang printout. Kung sakaling usigin ka ng mga katabi mo, or takutin ka na hindi ka makakapasok, tumawa ka lang. Mahalaga lang ang REGISTRATION CODE, lalo na sinabi na rin naman yan sa official NBI online application guidelines.

KAAYUSAN

Mga almost 8AM, maglalabas ang mall admins ng mga plastic na upuan sa harap ng mall entrance, at ang mga nakapila ay pauupuin ng sunod-sunod at may kaayusan. Sumunod ka lang. Bagaman marami ang upuan, na nakaayos row by row, limitado pa rin ang mga ito. Hindi lahat ay makakaupo. Kung maaga ka, tulad ko, tiyak makakaupo ka.

Kung wala kang kasama at makausap, dapat magdala ka ng libro o magasin o kahit anong pampalipas oras para hindi ka mainip sa matagal na paghihintay. Magdala ka rin ng tubig at isnaks. Wag madami, para hindi ka kailangang mag-CR. Pero kung nasi-CR ka, may CR sa taas ng Robinsons Galleria Mercury Drug, malapit sa pila.

NUMBER STUBS

Pagkalipas ng isang oras na nakaupo, lalabas ang NBI personnel para magtagubilin. Simple lang ang tagubilin niya: siguraduhin mong dala mo ang PRINTED FORM mo, o kaya ang iyong REGISTRATION CODE, at dalawang IDs.

Pagkatapos magsalita ng NBI personnel ng ilang ulit para tiyak lang na narinig ng LAHAT, mamimigay na siya ng NUMBER STUBS sa mga taong nakapila. Sunod-sunod, syempre. Ibibigay ang Number 1 sa pinaka-una sa pila, syempre. Kaya di ka kailangang mataranta at makipag-unahan na mabigyan ng number. Bibigyan lahat ng nakapila sa upuan, batay sa pila. Ako ay binigyan ng Number 48 na number stub. Para sa 6AM dumating ng Lunes, ika-48 ako sa pila. Not bad.

Para saan ang number stub?

Ito ang NUMBER mo sa PILA sa LOOB ng mall, doon sa satellite office. Dahil 10:00AM pa magbubukas ang mall.

BREAK TIME

Dahil may number ka na, na nasa MALIIT na papel, pwede ka nang mamasyal o magbreakfast o umuwi muna kung malapit lang naman ang bahay ninyo sa Robinsons Galleria. Sasabihin naman ito sa'yo ng NBI personnel: "Sige, kumain muna kayo at bumalik nalang kayo ng 10:00AM!"

Liligpitin na ang mga upuan na plastic sa harap ng entrance dahil nagsisidatingan na ang mga mall emlpoyees at busy na ang umaga, naghahanda na para sa opening ng mall.

Pumunta ako sa Jollibee at doon tumambay. Relax ka na, kasi may number ka na. Wala nang stress na makipag-unahan sa pila mamaya sa satellite office.

BALIK NA SA MALL

Bumalik ako sa harap ng mall ng 9:43AM. Kailangan sa same entrance ka pumunta, dun sa tabi ng MINI STOP sa EDSA SIDE. Ang dami nang tao pagdating ko. Sa ganitong punto, wala nang pila. Nakatayo na ang lahat ng tao sa harap ng mall para mag-unahan makapasok. Kung ang number stub mo ay anywhere between 1 and 50, eh dapat nga ay pumasok ka na. Wag kang tumagal sa labas ng mall, pumasok ka na ng 10AM. Hindi ka kailangang makipag-tulakan kasi makakapasok naman lahat. Kung Number 48 ka naman tulad ko, eh hindi ka kailangan mataranta. Relax ka lang at hintayin mo ang turn mong makapasok sa mall.

MALL FINALLY OPENS AT 10:00AM

Pagbukas ng mall ng saktong 10AM, dumiretso ka na sa NBI satellite office sa basement. Sundan mo lang ang maraming tao kung hindi mo alam papunta sa basement.

NBI SATELLITE OFFICE: WAITING AREA

Pagdating mo sa NBI satellite office sa basement, gagabayan ka ng guard papunta sa WAITING AREA. Actually, ituturo lang niya. Hindi ka niya ihahatid doon. Busy ang mga guards doon, dahil sila ang pinagtatanungan ng LAHAT ng tao.

Ang waiting area ay doon sa dulo, sa may HAGDANAN.

Ang HAGDANAN (waiting area) ay DALAWA at napapagitnaan ng escalator. Ang HAGDANAN sa KALIWA ay para mga ONLINE APPLICANTS. Sa bandang KANAN ay mga NON-online.

Sa puntong ito, mag-PAY ATTENTION ka. HAWAKAN mo na ang iyong number stub. Dahil tatawagin ng guard ang numbers by 50s para pumila ulit.

"O, number 1 to 50! Number 1 to 50! Pila na dito! Number 1 to 50!" isisigaw ng guard. Ang dinig ko noong una ay "1 to 15," yun pala 50. So dahil number 48 ako, pasok ako sa unang batch ng pila. Hindi na ako gaano nagtagal sa waiting area.

PILA: SKIP STEP 1, PIPILA NA AGAD SA STEP 2

Dahil ako ay ONLINE APPLICANT at hindi pa ako nagbabayad for renewal, ang pila namin ay sa STEP 2 na agad, sa PAYMENT. Kahit na STEP 1 lang pala ang masi-skip mo kung online applicant ka, malaking bagay pa rin yun dahil makaka-save ka talaga ng maraming oras.

Pipila ka batay sa number mo. Huwag kang magtangkang sumingit o makipag-unahan, walang sense yun, dahil bawat isang nakapila ay may number stub

HABANG NAKAPILA

Habang nakapila ka, ihanda mo na ang:

1. Number stub mo sa pila
2. Yung ONLINE REGISTRATION CODE or PRINTED FORM
3. Dalawang IDs for new applicant. For renewal: ORIGINAL copy of previous NBI clearance form, hindi ID!
4. Pambayad mo (Sakin, Php115 ang fee ng renewal ko).

Medyo matagal ang pila dito. Magbasa ka habang nakatayo, or manood ng tao, o makipag-kwentuhan sa katabi mo. Ako, nagbabasa ng libro, pero minsan nanonood din ng tao.

STEP 2 WINDOW

Iabot mo lang yung apat (4) na binanggit ko sa taas. Wala kang magiging problema kung kumpleto yang iaabot mo.

Bibigyan ka ng resibo after mo magbayad.

STEP 3 WINDOW

Siyempre, after STEP 2, pipila ka ulit for STEP 3. Gaya ng kanina, sunod-sunod pa din ang pila batay sa number stub mo. By this time, memorize mo na naman siguro yung tao sa harap mo at sa likod mo, kasi sila din yung mga katabi mo kanina pa sa labas ng mall, nung nakapila kayo at nakaupo sa plastic chairs, at kanina sa pila sa STEP 1.

Sa STEP 3, ipakita mo ang resibo mo. Then, ipapakita sayo yung sinagutan mong ONLINE FORM sa computer screen. Ipapa-VERIFY lang sayo kung tama ang mga impormasyon na sinulat mo dun, kung wala kang mali sa spelling at walang kulang, etc. IMPORTANTE na tama ang spelling ng pangalan mo, tama ang birthdate, at address.

Pag-okay na, kukunan ka ng picture at fingerprints. May computerized fingerprint scanner na, kaya hindi na malalagyan ng ink ang mga daliri mo. Diretso na sa computer ang fingerprints mo sa pamamagitan ng scanner.

HIT OR RELEASE?

Matapos mong makapag fingerprint scanner, huminga ka ng malalim. Dahil dito mo malalaman kung may HIT ka. Ang ibig sabihin ng HIT ay hindi mo makukuha ang NBI mo ngayong araw na ito dahil iimbestigahan ka pa nila.

Pag lumabas ang HIT sa computer, kulay green na mga letters na "HIT," maaring may kapangalan ka, o may kapangalan kang kriminal, o kriminal ka, o wanted ka ng NBI, o may kaso ka. Ikaw na ang nakakaalam kung may kaso ka. Kung hindi ka nakabayad ng credit card mo, or Internet, HUWAG mag-alala, kasi hindi yan kaso.

Lumabas ang HIT sa akin. KAKAINIS, pero wala kang magagawa. Relax ka lang. So, kung may HIT ka, yung resibo mo ay tatatakan sa likod ng PETSA kung kailan ka babalik dito sa Robinsons Galleria satellite office. Next week ka babalik. May petsa naman. Huwag mong kalimutan ang petsa.

Kung hindi ka HIT, congrats! Diretso ka sa STEP 4 para kunin ang NBI clearance mo. Tapos na. Wala ka nang problema.

11:40AM na nang nakuha ko ang resibo ko. Para sa number 48 sa pila at dumating ng 6AM, limang (5) oras din ang process...tapos hindi ko pa nakuha ang NBI clearance ko. Hassle, pero may mga bagay na wala kang control. Sumunod ka lang. Wag kang magreklamo kasi yan ang procedure.

Kung may HIT ka at kailangan pang bumalik next week, hindi ka na kailangang pumunta ng madaling araw at pumila with number stub. Pumunta ka nalang ng 10:00AM, kapag bukas na ang mall, at dumiretso ka nang pumila sa STEP 4 (RELEASING). Wala nang number stubs dito pang-pila.

ONE WEEK LATER

Monday na ulit. Dumating ako sa Robinsons Galleria satellite office ng 11:30AM na ata. Medyo mahaba na ang pila sa STEP 4, pero mabilis naman. Dala ko ang resibo ko, syempre. Hindi mo makukuha ang NBI clearance mo na walang resibo. Haha.

Kapag inabot mo ang resibo mo, titingnan ng personnel sa computer ang iyong details. Kung CLEARED ka na, makukuha mo na ang clearance mo. Kung hindi pa rin, dahil may kaso ka, o di kaya naman ay may issue pa, kawawa ka naman. Kasi pupunta ka pa sa MAIN OFFICE NG NBI sa TAFT AVE. para interbyuhin ka.

Yung babae na nasa harap ko, may problema sa kaniya. Lumabas sa computer na may kaso siya, kaya hindi siya nabigyan ng clearance. Naiinis siya, at inamin niyang may kaso nga siya. Pero inaway pa niya ang personnel dahil sana daw sa MAIN OFFICE SA TAFT nalang siya pumunta una palang. Ano daw ang silbi ng satellite office sa mall kung sa MAIN OFFICE SA TAFT pa sya papupuntahin? Hindi niya na-gets ang situation. Kung wala naman kasing problema, eh hindi naman siya papupuntahin pa sa MAIN OFFICE SA TAFT. Eh may kaso nga siya eh, so wala siyang choice. Kung walang problem, makukuha mo naman ang clearance mo sa satellite office. Kaya nga may satellite office.

Kung wala kang kaso at hindi mo pa rin makuha ang clearance mo at this point sa satellite office, malas mo lang talaga. May kapangalan ka sigurong kriminal, kaya kailangan ka pang interbyuhin sa MAIN OFFICE para matiyak na hindi ikaw yung kriminal. Wala kang magagawa. Ganun ang buhay, maraming gusot. Pero experience din naman yang process. Lalo na kung hindi ka kriminal, I'm sure masaya ang interview...dun mo makikita ang proseso nila na matiyak na hindi ka kriminal.

Yung sa akin, nakuha ko na agad. Wala naman akong kaso kasi. Ang mali sa akin, wala akong dalang envelope. So wala akong lalagyan ng NBI clearance ko (two copies ang ibibigay sa'yo). Hawak ko lang yung NBI clearance ko pauwi, nang sumakay ako ng G.Liner, bumaba, naglakad hanggang makauwi. Ang galing, hindi naman siya nagusot. :)



Comments

  1. thank you sa nag post..sna hindi ako ma hit tomorrow

    ReplyDelete
  2. Your story helps a lot! Thnx for sharing..

    ReplyDelete
  3. Your story helps a lot! Thnx for sharing..

    ReplyDelete
  4. Kung ako sa inyo wag kayo sa nbi na nasa mall kasi kung anong oras ang bukas ng mall,ganun din kayo papasukin.tulad ko for releasing na lang ako,nag hintay pa ako hanggang 10am.nilagay kasi nila sa printed form na AM lang.so pumunta ako ng maaga.kasamaang palad 10am pa ako nakapasok at half day pa nkapasok sa work. Sana bigyan nila ng time kung umaga. Sobrang nakakainis.

    ReplyDelete
  5. tanong ko lang what time po ung schedule for pm?sa robinson galleria?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts